Bakit Nga ba?
June 9th, 2009Bakit nga ba mahirap maging housewife?
Sa umaga need mo magising maaga kesihodang nasa kalagitnaan ka ng iyong magandang panaginip, mag luluto ka pa kasi ng baon at ng breakfast ng buong sambayanan. take note di pwedeng may 5 min extension….
Mag lilinis ka ng buong kabahayan habang nag luluto, naglalaba at nag aalaga ng mga ‘kuting’ ( daig pa ang computer sa multi tasking di ba)
Minsan naliliban pa ang pag wiwi at pag pupu kasi ang bagets nagwawala at nag hahanap ng atensyon ni mudra!
Hay sa wakas naka hanap ng time mag nap kaso….si bunso need mag wiwi kaya ayun gising ang buong diwa ulit
kapag may kausap sa phone, naugugluhan ang kausap kasi yan din ang time na kung anu ano ang itatanong sa yo ng mga anak mo, ewan ba at tuma timing ang mga yan pag dumdaldal ako sa phone
Pag dumadating ang weekend, papasyal sa mall mahirap din kasi andyang nag l lunch sa isang resto e biglang “mommy I want to poops” oh no! syempre forget the eating portion at diretso sa CR..ang sad part e need mo bumalik sa pagkain at dedmahin na galing ka sa bathroom ( di pwede arte arte kasi gutom ang aabutin)
Pag sumama ang pakiramdam di pwedeng mag day off, need pa din gawin lahat ng chores kahit nanginginig ka na sa lagnat mo ahehehe…
yung mga nag o office pag na b bwisit na boss, mag a absent para makaiwas sa stress, kami sa bahay kahit mag tumbling ng bongang bonga sa inis e tuloy pa din, bawal ma bwisit yun yun!
E pero naman……
Pag niyakap ka na at sinabihan ng ” I love you mommy,so much” tanggal lahat ng pagod, inis at kung anu ano pa
pag nakikita ko yung smile ng bunso ko parang ni re remind sa ken ni Lord na lucky ka nakikita mo yang ngiting yan kasi kung nag w work ka tulog na sila madalas…..
kapag ending ng semester ng school at sasabihin sa yo ng teacher na nasa top ang mga anak ko, nag t tumbling din ako ng bongang bonga
sa gabi kahit napuputol ang tulog, makikita ko ang mga anak ko habang natutulog ng mahimbing, napapa smile ako kasi alam ko na naging maayos ang araw nila
kapag may sakit ako, lagi nilang inooffer ang tulong nila kahit alam kong di naman nila kaya gawin ang mga chores sa bahay, sa simpleng hawak sa ken, minsan naiisip mo masarap pala magkasakit
Sa mall, pag nabili nila ang gusto nila at mag t thank you sa men ng daddy nila habang naka smile abot tenga, sarap na din ng feeling kasi naibibigay namin yung mga needs nila kahit medyo mahirap ang haybu.
Di madali ang lahat ng roles natin sa buhay, siguro ganito talaga para ma appreciate natin ang mga simpleng bagay na nakaka pag paligaya sa ten. Kasi kung makukuha mo lahat ng gusto natin, di na natin makikita ang value ng mga blessing natin. Kung iisipin kasi nasa sa ten naman yan kung magiging masaya ka sa buhay mo. Madami akong natutunan sa nakaraang araw na ako ay medyo windang. Na realize ko na madami akong bagay na nakalimutan, madami akong blessings na di nakita. Siguro kasi na focus ako sa mga bagay na wala ako.
Madami akong natutunan sa ilang araw na mag iisip, minsan pala maganda din ang mag isip isip, masarap hanapin ang ingredients sa pagiging kuntento sa buhay. Actually, mahirap maging fully contented ( work in progress pa din naman ako), siguro dadalas dalasan ko na lang ang pag iisp bago matulog, mas mag f focus sa meron kesa sa wala…..at ang pinaka importante wag makalimot magdasal.
No comments:
Post a Comment