In The Name of Money!
November 19th, 2009Minsan nakakatawa talaga tayong mga tao ano, madalas di tayo nag iisip bago natin i open ang ating mga bibig…kanina nanonood ako ng isang morning show, nainis ako kasi palaging nag c coment yung mga host na ay ang cute ng mga anak, ay ang galing galing ni mommy kumanta, parang napaisip ako….huh? ano yun? ano daw? nakakatawa kasi pwera ka plastican di naman talaga cute at di naman maganda ang boses..plleeaassee!!! so ano’t ganun ang comment? duh..tinatanong pa ba yun..power, money, fame..name it, the family has it! Come to think of it, di naman nila papansinin yung mga yun kung wala silang P,M at F. Yung isang tv host nga, I don’t think gugustuhin nyang maging friend yung asawa kung di sya na ka burberry at naka hermes na bag……..ewan! ( sana tama ang spelling ko ng mga brand na yan…wala kasi ako nyan kaya di ko alam, kaya ayaw sigurado ni tv host maging friend ako wahahahaha!)
Nung bata bata pa ako, it matters talaga, minsan na nasisilaw ka sa kung anong meron, kung sino sya kaya may extra effort on my part na maging magkaibigan kami. Siguro pag bata ka, gusto mo mapabilang sa isang grupo na sa tingin mo may maitutulong sa yo para maging sikat, magkaron ng kahit konting oras ng ibang tao…di naman yun pagiging user..tawag dun pagiging hopeless hahahaha. pwera joke, siguro ano yun e, yun bang minsan yung mga gusto mong mangyari sa buhay mo, nakikita mo sa iba and the only way para matikman mo yun e magkaron ka ng chance na maging close ka sa mga taong yun, hay a infairness sa topic na ito nahihirapan ako mag explain. pero dahil din may mga friends ako na kilala na ako nung uhugin pa ako, sila ang nagiging reminder sa ken na kahit simple lang ang buhay, masaya at totoong friendship naman ang meron kami.
Na remember ko tuloy nung one time na nag punta kami ng SM marikina…Sa isang toystore, si Josh super kulit, lahat na ata inusisa, yung mga mamahalin pang toys ang kinukulit. nakikita ko na kahit konti may pagka irita na yung saleslady kasi nga di ba ( smile pa din naman sya at quiet lang na nagmamasid)…pero parang akala ata nya mapera yung nanay kasi nga si kulit englisera. ( di nila alam si Barnery,si Barbie at si Spongebob ang nag training sa kanya lol!!) so di nya masaway. Napa isip ako, pano kung mukang gusgusin si kulit, di nag e english, di pa rin kaya maiirita yung saleslady? kasi yung isang bata sinaway nya eh……ang point ko, tayo kasi pag mukhang may pera yun ibang tao, ilag na agad, may respeto agad. Pano naman yung mga hindi ganun, pwede na silang okrayin?? hay buhay! Di ko alam kung sakit lang nating mga pinoy yan o ganyan din sa ibang bansa, pero nakakirita lang talaga ang diskriminasyon sa ating society, Grabe!!!
No comments:
Post a Comment