Thursday, April 28, 2011

June 16th, 2009

Kausap ko yung friend ko the other night, nag k kwento sya tungkol ba sa tuition fee at kung anu anong fee nya sa school ng anak nya, basta in short kino compare nya ang binayaran nya sa binayaran ko sa school ng mga anak ko. Listen lang ako kasi that time medyo wala ako sa wisyo. So yun nga mega kwento sya with matching litanya na ” e kasi naman ang mahal ng tuition dyan sa school ng mga anak mo, e pare pareho lang naman natutunan achuchu achuchu………… natatawa lang ako sa kanya kasi feeling ko paulit ulit naman sinasabi nya at wala akong balak ilipat mg anak ko. Natapos ang phone patch namin na sya lang halos nagsalita kasi nga wala ako sa mood, kumain kami at natulog.

Kanina habang nag d drive ako naisip ko ang mga pinag sasabi ni frend hahaha…so kung makak usap ko sya ulit ito malamang ang sasabihin ko sa kanya…

” Ako kasi naniniwala ako na education lang ang pinaka magandang maiiwan ko sa mga anak ko. Sa sachool din nila partially ma mo mold ang kanilang personalidad, so saan mo ba iiwan ang anak mo para mabigyan sila ng magandang oppurtunities at para makuha ang magagandang oppurtunities kailangan nila ng mga facilities na mag r ready sa kanila in the future. Pag sinabing facilities, ito ay mga bagay na di nakukuha sa pagtitipid. isang example na ang computer. 1:1 ang ratio ng bata at ng computer, may science lab na kumpleto sa gamit, etc.. pag sinabing guidance office, ang mga taong nandun ay mga psychologist na talagang nakakaintindi sa mga needs ng mga bata, may nurse, dentist, may mga guards na trained para sa specific jobs nila. Ang pinaka importante, ang mga teachers ay na screen ng mabuti. madami kasi masyado para isa isahin ang mga reasons bakit ako nagbabayad ng mas mataas ng konti para sa education ng mga anak ko. di ito dahil sa pangalan ng school or para sa status quo, I’m after the quality of education at yung safety ng mga anak ko. Kasi nga ito ang pinaka importanteng maiiwan sa kanila na hindi mabibili ng pera.”

Actually yan na ang naisip kong sabihin matapos akong mag pahinga pero nung exact moment na kausap ko sya ito lang ang trip kong sabihin …” paki alam mo, di naman ikaw nag bayad ako naman. at hay tigilan mo ako kung siguro afford mo sa Brent malamang andun mga anak mo, ipokrita, wahahahahahha!!!! peace :)

No comments:

Post a Comment