Thursday, April 28, 2011

Nasaan…Isang Umaga

February 3rd, 2009

“Mommy nakita ba yung paper na sinulatan ko kagabi?”, “mi nakita mo si optimus”, “mommy where’s Barbie’s panty”…”Nasan ba yung tsinelas ko..lecheng tsinelas laging nawawala!………………yan, yan typical na umaga sa bahay namin..o di ba pati si optimus prime need ko hanapin, sus saang outerspace ko kaya hahagilapin si optimus. lintek pati tsinelas na di naman nasayaran ng paa ko kailangan alam ko san nakalagay…..at wag kalimutan ang panty ni barbie kasi magagalit si kana ( si josh yan tawag ng mga tita nya kasi ilokanang englisera daw hahaha!)…..kaya ang ending eto..

una kong nakita ang panty ni barbie na pilit kong inaabot kay kuya na nakatitig sa ken sabay sabing mommy “di yan si optimus” at syempre habang inaabot ko sa kanya dumadakdak pa ako kay ate na anong papel ba yun san mo ba huling nilagay, kasi naman blah blah blah, syempre ang bagets natulala siguro iniisip nya na hello mommy kung naalala ko e di di na ako magtatanong sa yo. o sya good Lord at nahanap ko naman lahat ng gusto nila..ayun tahimik na ulit at kumain na sila…… ako nag sit down muna kasi na stress ako sa mga pangyayari hahaha!

natapos kumain at hayan umpisa na naman ng kaguluhan at hanapan ng di makitang kung anu ano na kung tutuusin lahat naman nasa lalagyan lang pero parang hirap silang hagilapin, e ang liit lang naman ng bahay namin….pero these little things make me happy naiisip ko ito parati pag nasa school na sila, nasa office na si hubby at si kulit nag s sims na ( hay si kana na 3y/o addict sa SIMS..kakaloka) kasi nakakatawa ang mga reactions nila pag natataranta ako kasi nga yung time alam mo na papasok maghahatid pa etc..

kanina sa school pagbaba ng mga bagtes si ate nag kiss na pero si kuya yumakap ng matagal at nag kiss din siguro way of saying sorry nataranta ka kanina..yan yan naman ang mga bagay na kumbaga ay priceless walang makaka pantay dyan di ba, mga simpleng hug at kiss pero alam ko na may iba pang ibig sabihin..medyo showy kasi ang anak kong boy kesa kay ate pero si ate naman may sariling way yan mag lambing. katulad na katulad kasi yan e, medyo may difficulty sa pagiging affectionate.

nag d drive ako pauwi, nag play sa radio ang song Star ng simply red, hay nagbalik sa ken ang mga alala ng nakaraan ( hahahah! ayos ba?) syempre kumanta ako ng malaks, wala naman makaka rinig paki nila ( pero syempre I made sure sinara ko na lahat ng bintana ng oto heheh) nakaka luha at the same time nakaka tuwang maalala ang mga yon…. wala lang nai kwento lang…

Minsan talaga sa buhay natin, dapat marunong tayong humanap ng mga bagay na makak pag pasaya sa ten kasi sobrang hirap na nga ng buhay mag papa ka lungkot pa ba naman tayo….minsan nga sa maliliit na bagay dun natin mararamdaman ang mga saya na never pa ting na experience. ako bilang mommy, madalas nag c complain ako na mahirap, nakaka bore at kung anu ano pang reklamo pero tanungin mo ako ano ba ang pinaka naging maganda kong desisyon na ginawa..yun e ang maging full time mommy. kahit mag hapon akong magtatalak sa mga anak ko ang ending nyan naghahalak hakan kami kasi sasabihin nila na si mommy ang ingay paarang radio na ayaw mag off kahit na unplug na o kaya si mommy daig pa si rosela at antonio ( yan ang mga alagang lovebirds namin na super iingay) di ka ba naman tumawa sa comments naganyan di ba.

ngayon eto ako gumagawa ng blog( habang may sinisinghot na white flower, tatlong araw na kasi akong offline hahaha!) kasi busy na naman si kana sa SIMS pero kanina naubos ang baon kong english sa kanya ng kaka ask ng “WHY”. hahaha natawa ako kasi sabi ni kana “Infairness” ewan bakit kausap nya kasi si mama na nasa labas nag ggarden..as usual, hehehe. Nakikipag chat din pala ako at the same time………

No comments:

Post a Comment