“parang robot mommy”
July 2nd, 2009Kanina on our way to school ngm ga bagets, bigla ba naman nag tanong ang aking 9 year old son , medyo na schock ako kasi feeling ko too soon ang kanyang question. Napa diin nga ang preno ko eh pero sabi ko sa sarili ko kalma lang dadating talaga itong time na ito. Actually napag isipan ko na before kung papano to sasagutin pero pag andun ka na pala sa moment eh mawawala ang mga na practice mo.
” after ng kasal mommy, pano ba ginagawa ang baby? parang robot ba mommy?” yan, yan ang tanong ni kuya kanina sa ken. Natawa ako kasi paran sa robot ba daw? sa sobrang humaling nya sa transformer, hay gawin bang pang robot ang pagbuo ng kuting. Natuwa naman ako kasi basahin ulit ang tanong ng bagets, AFTER NG KASAL, o di ba. at least naitatak ko sa isip nya gagawin yun after ng kasal. ( goodluck na lang kung lumaki na sya, malamang lamang e mag ka amnesia sya) sabi ko na lang kuya di yung parang robot ( sabay tukso nung ate kasi pinag aaralan na nya sa school ang reproductive organ, naging robot ka ba loser? di no about yun sa spermcell at eggcell na nagtagpo. Hahaha natawa ulit ako kasi napaka scientific ng sagot ni ate halatang bata pa at di pa masyadong naiintindihan) o well sabi ko na lang, mga anak pinaghihirapan yan! hahahaha what an answer. basta isipin mo na mahal magkaron ng anak,sabay smile.
ang hirap pala sumagot pero sa susunod na magtanong sya e paghahandaan ko na, promise!
No comments:
Post a Comment